Tuesday, November 11, 2008

Ang Hirap mong Intindihin, Steph!

Pagkatapos mo sa office, san ka na? Well, dretso ng dormitory, dun ka nga pala lagi, wla ka nmang ibang pinupuntahan after work eh. Ewan ko ba, paminsan-minsan lang sumagi sa isip mo ang mag-malling, kasi nman, ang nsa isip mo, magtipid ng mgtipid.

Wala ka ng ibang ginawa kundi tumingin sa cp mo, buti na lang hnd ka naman nadidiappoint kasi mabilis pa sa alas kwatro kung malaalala ka ng mahal mo. Oo, yung mahal mo na wala na yatang ibang gnawa sa buhay nya kundi mgtext at tumawag. Pati load mo, siya na nga tagabigay. Isang salita mo lang, para siyang kidlat kung sumunod. Ramdam mo naman ang sincerity nya db? So Steph, mag-isip ka nga, napaka-demanding mo naman masyado!

Hindi ka nman ganyan kung hndi dahil sa may nagawa sya nuon, db? Pero naisip mo na ba ang lahat nag maigi bago mo pinagpapaniwala ang sarili mo na NILOKO ka at pinagmukha kang tanga? Yung dumalaw sa kanya na ex nya nuon sa ospital, naisip mo ba na kung sila talaga, bkit hnd nun bumalik yung babae? Bkit ba hnd ka naniwla sa mga kapatid ng mahal mo, na ni isang HI hnd ngsalita ang bf mo nung andun yung babae? Ano ba ang pnaghihimutok mo kunga nabasa mo sa cp nya ang mga text ng mga gf-textmates nya? Sa text lang naman lahat ng yun. Tnawagan mo nga lahat ng babaeng yun, at maalala mo ba ang mga sagot nila?

Yung si Lovely, sabi naman nya nun sau, "sorry, matagal na kaming hnd nagkita ni Dick at hnd ko sya bf", pero galit na galit ka pa rin dahil ang pakiramdam mo, naisahan ka, MAHAL din kasi ang twagan nila ng bf mo! Pangalawa, yung Ann, aysus, ang kulit mo naman talaga, ewan ko kung panu ka ngtop sa exam na hnd maintindihan ang salitang 'wala yun, kung sna gf ko, pinakilala ko n sana sa mga kapatid ko, ikaw lang kilala nila'. OO nga naman, ano p ba masasabi mo sa pakitungo sayo ng mga kpatid nya, lalo ka ngang knakampihan kesa sa kanilang kpatid. Mas espesyal ka nga kung ituring, nung nsa ospital kayo, hnd sila kakain hangga't hnd ka dumarating. Alas nuebe kana dumarating nun!

Susmaryosep, ayan, gumawa kayo ng friendster account nya, ibinigay sayo ang password. Ikaw na nga ang ngbubukas paminsan-minsan. Then ayun nga, nabasa mo ang mga messages ng kanyang isa n nmang EX. Grabe ang galit mo, feeling mo na naman, napagkaisahan, kc yun ung babae nun na minsan dumalaw din sa ospital. Pero hnd mo ba naisip, kung tlgang sila, bkit "WAla lang' nung dumalaw yung babae sa ospital. Naku, Steph, pwede namang nag-iilusyon ang babae db, sbi na nga ng cousin ng bf mo, patay n patay yun sa bf mo!

At least, ikaw ang napakilala sa mga tita at lola. Wlang araw na dumaan na hind ka maalala ng bf mo. Lagi syang may text. Pinakamatagal nang wla syang text sa loob ng 10 minuto! Ano pa ba? Pag galit ka, wlang wla sa isip mo na ikaw ang gustong pakasalan at gustong kasama habambuhay.. Nagmumura ka sa galit mo, dndown mo sya, snsabi mo pa 'pasalamat ka, ginusto kita, sino ka lang naman?'. Lahat ng pangit sinasabi mo sa knya. Pag wala ka sa mood dahil mejo hnd mo naperfect ang gnawa mong mapa, bglang 'pangit!' ang irereply mo sa bf mo. Lahat ng text ng bf mo, mayrong ILOVEYOU sa dulo. Anu pa ba ang hnahanap mp. Minsan pag nakaligtaan nya, sasabihin mo, 'hnd mo na ako mahal'.. Sus, grabe ka na, Steph!

Sino pa ba ang iniisip mo na babaeng pwede nyang ipalit sayo? Ikaw pa ang ipagpapalit? Ang bait mo kaya pag tulog! Ang tyaga nya sayo. Khit gnyan ka kamaldita, ayan sya, parang asong sunud-sunuran pag may sinabi ka. Sinabi nga nya, 'wla n ko hahanapin pa sau mhal, nsa u n lahat. Ang isip mo kc, 'lahat n ng kasamaan nsa iyo na rin!'.. Ibang level ang thinking mo, Steph!!!

Hala sige na, simula mamya, magpakatino ka nga. Wala syang babae. Wla syang iba. Kung mayron man, gnyan talaga ang buhay, hindi pa kayo mag-asawa! Yang paggiging selosa mo, bawas bawasan mo, baka kung hnd, magkatotoong ipalit ka nya, payag ka ba?!

Of course not. Kaya mo naman ibalik sa dati ang lahat, db? Yun bang buo ang tiwala mo sa knya. Mahal mo sya, Steph. Ngayon ka lang nagmahal ng gnyan katindi!

No comments: